Tamar
Sanga sangang tinik,
huwag hayaang idikit
mga porselanang kipkip
upang di gumalos sa bawat ihip.
Lamig ay namamaalam,
hayan na at darating
takdang araw ng pagniniig
ng mga pumpon at kanyang inahin.
Mga munting talulot,
Sa sandaling panahon ay matutuyot
Pag dako’y magkakalaman
Hayaang dumilaw, mangalawang.
Iyong salubungin, ipagbunyag
Saglit na dulot ng kagyat na gulang.
Dahil sa pangungulubot na taglay
Walang kasing tamis na humpay.