Chelie

Ako, Ikaw at Kayo (Samu’t saring kwento ng Buhay)

Silang Tuyong Rosas

Filed under: Tula ng Buhay / Poem of Life — chelief at 2:26 am on Sunday, March 18, 2007

Sinulat noong: (February 4, 2007)

 

Minsan sa aking paglingon,

mga mata’y doon pumaroon

sa di namamalayang panahon

diwa ko’y sa lalim umaahon.

 

Dama ko ang sakit, impit

sa bawat panaghoy na lumalapit

hindi ko maawat ang lupit

ng mga hampas ng along sumusingit.

 

Halika iyong tanglawin…

ibukas, damdamin

mga palad ay wag kipkipin

hayaang ilahad pagpalain.

 

Bakas ba sa anyo ang ngiti

o balangis na naghuhumindi?

sa tapat na pagtutulampati

sapat ba ang pamimighati?

 

Iyong hilahin lubid ng panindim,

upang sa mabangis na kulimlim

mga kukong tumatalim

maisalba kaluluwang dumidilim.

 

 

 



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>