Chelie

Ako, Ikaw at Kayo (Samu’t saring kwento ng Buhay)

Ako’y Piping Manunulat

Filed under: Tula ng Buhay / Poem of Life — chelief at 2:03 am on Sunday, March 18, 2007

Sinulat noong: (February 18, 2007)

 

Diwang naglalakbay,

Kaisipang sumasalakay

Hayaan ang tumatakbong kamay

Sukatin mga salitang nawa’y pantay.

 

Takpan ang mga matang may kalabuan

Sa gayung malayo sa di katotohanan.

Tibok ng iyong puso’y pakinggan

Huwag hayaang durugin ng kamalian.

 

Pasayawin mga katagang malalim,

Sa himig ng sintunadong awitin.

Isigaw ang iyong nais sambitin,

Katulong ang plumang laging kapiling.

 

Sa mga taludtod gayundin sa mga saknong,

Nakaabang iyo nang sambitin ipasaring.

Sa tinig na paos, utal din ang lumalagos

Hindi mabigkas mga salitang umaagos. 

 

 



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>